Dahil naunsyami ang mga laro sa 74th National Basketball Association 2019-20, sa mga anak na paslit na lang nakipagbasketbol si NBA star Blake Griffin.
Pero agaw-eksena ang mga bulinggit niyang anak dahil naka-scooter ang mga itong umiikot sa basketball court kung saan kita na hirap namang maka-shoot nang ama nila, karamihan airball ang mga tirada.
Hindi man mga professional basketball ang katunggali, pumatok pa rin sa social media ang video ng 31-year-old, 6-foot-9 Detroit Piston power forward sa bonding time ng mag-aama habang nakasailalim ang stayhome order sa Estados Unidos.
Nang nakaraang buwan pa kinansela ng NBA ang kanilang mga laro dulot ng coronavirus disease o Covid-19 pandemic.
Pinaalalahanan din ng kanilang league commissioner Adam Silver ang mga player na huwag munang magsagawa ng training upang mapigilan ang pagkalat ng virus. (Aivan Episcope)