Tuwing papasok si Brian’e Miller sa kanyang trabaho sa FedEx Forum kapag may laro ang Memphis Grizzlies, suot niya ang paborito niyang LeBrons sneakers.

‘Yun din ang suot niya noong Biyernes ng gabi nang dumayo ang player na iginawa ng sapatos – si LeBron James at ang Los Angeles Lakers.

Assistant equipment manager ng Grizzlies si Miller, matagal na siyang fan ni James.

Habang iniipon niya ang warm-up gear sa bench ng Lakers pagkatapos ng 111-88 win sa Grizzlies, tinawag siya ni James. Naalala rin siya ng superstar.

“Every year I’ve come here, she’s always worn a very exclusive pair of my shoes and I’ve always noticed it and I’ve never said anything to her,” ani James. “And tonight, I said something to her for the first time and she was like, ‘Yeah, I’ve always been Team LeBron. Always.’ So she got a pair of LeBrons.”

Ibinigay ni LeBron ang ginamit niya sa la­rong sapatos, sa isang babae na nagtatrabaho para sa Grizzlies. Niyakap pa niya si Miller bago natapos ang fourth quarter.

Maya-maya, naiyak na si Miller.

“Priceless,” tugon ni Miller sa Commerical Appeal nang matanong kung ano ang pakiramdam na binigay sa kanya ang purple shoes na ginamit ng idolo sa laro.

“I wasn’t expecting that, to come to work today and I’m going to bet LeBron’s shoes. … It’s just trying to do my job and he blessed me with a pair of shoes.”