GRO, 1 pa huli sa drug bust

Timbog ang umano’y dalawang drug personality na kinabibilangan ng isang guest relation officer (GRO) sa isinagawang anti-drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa San Nicolas, Ilocos Norte kahapon.

Kinilala ang mga naarestong sina ­Maribel Caphew, isang GRO, tubong Marikina at na­ngungupahan sa Brgy. 4, at Paolo Pamilakan, residente ng Brgy. 21, kapwa ng nasabing bayan.

Sinasabing nasa drug watch list ng Philippine National Police (PNP) San Nicolas ang dalawang nasakote.

Bago nahuli sina Caphew at Pamilakan ay isinailalim sa surveillance ang dalawa hanggang sa isang impormante ang nagkumpirma nang makita umano na bumibili si Pamilakan kay Caphew ng iligal na droga.

Agad na naaresto ang dalawa at nasamsam sa mga ito ang ilang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.