Grupo ni Chavit, PT&T hihirit pa

chavit-singson

Maghahain ang grupo ni dating Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson at ang isa pang telecommunications group ng motion for reconsideration matapos idiskuwalipika sa bidding para sa 3rd telco player kahapon.

Ito’y matapos ihayag ng National Telecommunications Commission (NTC) bilang ‘provisional winner’ ang grupo ng Mindanao Islamic Telephone Company, Udenna Corporation at Chelsea Holdings ng Dabawenyong negosyante na si Dennis Uy, kasama ang China Telecom bilang ‘provisional winner’ sa bidding ng 3rd telco.

Base sa selection committee ng NTC, diniskuwalipika sa bidding ang grupo ni Singson na LCS-TierOne Consortium at Philippine Telegraph & Telephone (PT&T) dahil nabigo ang mga ito na magsumite ng participation security at sertipikasyon ng kanilang technical capability.

Gayunman, inihayag ng NTC na maaari pa rin maghain ng motion for reconsideration ang dalawang nabanggit na grupo sa loob ng tatlong araw.