Sa air-conditioned Las Piñas Coliseum darayo ang mga sabungero para sa “Alexander 4-Stag Derby” ngayon tampok ang 110 sultada.

Liyamado ang Gabriel Striker 1 at 2 entries ni Mayor Nene Aguilar, na dumiretso ng anim na panalo sa anim na laban nitong Oct. 9 sa UMGBA stag circuit.

Kasali rin sina Gerry Ramos, Boy de Roca, Onie Tan, Wonderboy entry, Toto Baltazar, Butchoy Wacnang, Engr. Rene Pinuelas, Raymond Henry, Ryan Alaon, Junjun Screener, Larry Alvarado, Jun Ocampo, Engr. Bitoy, Vetsin Elorde, Philip Camigla, Jethro Negligencia, Jessie Marquez, Royalty group at Boss Rox.

Aabot sa P500,000 ang premyo sa rito ni coliseum manager Alex Tobias, ang derby host.

Isusunod ang “Bos Rox 4-Stag Derby” sa Oct. 26 at sigurado na rin ang maraming entries.

Sa mga detalye pa, kontakin si Grace 1 sa 873 1040 at 0929 1800 960, Grace 2 sa 0939 1376 455 at Julius sa 0915 3582 076. (Enjel Manato)