Naglabas ang Go­vernment Service Insurance System (GSIS) ng ‘notice to vacate’ laban sa Philippine Plaza Holdings Inc. o mas kilala bilang Hotel Sofitel dahil sa hindi pagbabayad ng dalawang taong renta sa loob ng dalawang taon.

Sinabi ni GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas, taong Hunyo 2016 pa hindi nagbabayad ng renta ang Sofitel sa dalawang lote ng ahensiya at uma­bot sa P80 milyon ang back rentals nito.

Ang dalawang lote ng GSIS ay ang Lot 19 at Lot 41.

Paliwanag ni Aranas, hindi maaring gamiting libre ang mga lote dahil commercial naman umano ang operasyon ng hotel.
()