Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong ng mga opisyal at tauhan ng Government Service Insurance System (GSIS) para malabanan ang katiwalian sa gobyerno.

Ang kahilingan ay ginawa ng Presidente sa kanyang pagdalo sa ika-81 anibersaryo ng GISIS na ginanap sa GSIS Financial Center sa Pasay City.

Ayon sa Pangulo, panahon na para seryosohin ang paglutas sa sakit ng lipunan na nagiging hadlang na sa matagal na panahon para makausad ang bansa.

Hinikayat din nito ang mga taga-GSIS na dapat panatilihin ang integridad, transpa­rency, at pananagutan sa lahat ng mga gina­gawang aksiyon o desisyon sa trabaho para maisulong ang mas produktibong kinabukasan.

“I call on you to remain one with us in the fight against graft, corruption and other ills of society that have long been hampering our growth as a nation for so long.

Always embody ­integrity, transparency and accountability in your work and never waver in your resolve towards a better and more progressive Phi­lippines,” anang Pangulo­.