Sa solidong pinakita ni Royevel Palma sa mound, binokya ng no. 17 Philippine Blu Girls ang no. 20 Guatemala 5-0, para sa second win sa three matches ng XII Junior Women’s Softball World Championships kahapon sa Eddie C. Moore Softball Complex sa Clearwater City, Florida.

Kumpletong nag-pitch si Palma sa game shutout at nagpapasok lang ng two hits sa pagbabalik-track ng Pinay softbelles makaraang matalo kamakalawa sa no. 9 Taiwan (13-0) para sa 2-1 record sa Section A.

Sa opening noong Lunes, nasilat din ng ­Filipinas ang no. 12 Italy 10-3 sa 26-nation, weeklong tournament.

Laban sa Guatemalans, nakapasok sa sco­ring ang mga Pinay sa third frame tapos maka-single ni Reese Guevarra na naghatid kay Mae Langga sa home. Nadoble pagkaraan ni Mary Maguad ang abante nang masamantala ang ­catcher’s error para makarating sa plate.

Pinalawig ng Jr. Blu Girls ang bentahe sa three-run spree sa fifth.

Sunod sa PHL squad ang unseeded at ­winless pa sa four games na ­Turkey.