Guevarra, three-peat Slam King

rey-guevarra-slamdunk-king-pba-2016

Naka-third straight title sa slam dunk si Rey Guevarra, tagumpay na naidepensa ni Terrence Romeo ang three-point shoot out crown at naging bagong obstacle challenge champ si Maverick Ahanmisi sa Skills competitions ng 28th PBA All-Star Weekend kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ungos ang 6-foot-2 na si Guevarra sa astig na kumasa sa finals na si Meralco teammate Chris Newsome.

Kinopo ng high-flying guard ang three-peat at sinamahan si Nino Canaleta sa hat-trick sa paglundag sa isang fan tapos ng assist ni Scottie Thompson sa unang dakdak.

Sa pangalawa, tumalon siya sa harapan ng magka-teammate sa Rain or Shine na sina 6-8 Raymond Alamazan at Jerico Cruz para sa 97 points at lamapasan ang 96 ni Newsome.

Lusot si Romeo ng GlobalPort sa shootout sa 3-man final sa iniskor na 20 kontra sa tig-17 nina Canaleta ng Mahindra at RJ Jazul ng Alaska.

Nagsumite naman si rookie Ahanmisi ng fastest time na 32.95 seconds sa final para madaig si Carlo Lastimosa ng Blackwater na may may 34.11 clocking.

“It’s a good feeling. It’s good to win. I’m just blessed to be part of the competition this weekend,” sambit ni Ahanmisi, na kumita rin ng P30,000 cash prize gaya nina Romeo at Guevarra.

Sa Blitz game kinagabihan, tinalo ng Stalwarts ang Greats 99-94 sa likod ng 23 points ni Almazan na tinanghal na Best Player of the Game.

Ilang dakdak ang isinubo sa ring ni Almazan, bawat dunk ay counted bilang 3 points. Nagdagdag pa siya ng 10 rebounds. Ibinaon ni Chris Banchero sa dulo ang baskets na nagbigay ng panalo sa Stalwarts sa laro na tinampukan ng mga pinagsama-samang legends at rising stars ng PBA, at mga standouts ng D-League.

Sinubuan ng Stalwarts si Mahindra player-coach Manny Pacquiao sa kaagahan ng laro at tumapos ang Fighting Senator ng 9 points.