Guiao alerto kina Nambatac, Daquioag

Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome)
4:30 pm – Rain or Shine vs. NLEX
7:00 pm – Blackwater vs. Ginebra

Nakatatlong sunod na panalo ang NLEX huli ang 126-113 triumph kontra dating unbeaten TNT nitong Biyernes.

Lipat ng Cuneta Astrodome ang Road Warriors para subukang sikwatin ang pang-apat na sunod laban sa Rain or Shine sa first game mamaya.

Isang panalo pa ay aangat sa 7-1 ang NLEX katabla ang KaTropa sa tuktok, pero ookupahan ng Road Warriors ang No. 1 spot sa bisa ng winner-over-the-other rule.

Humaharabas ang team pero may mga concern pa rin si coach Yeng Guiao.

“You can’t look at Rain or Shine’s win-loss record and judge their abilities,” aniya. “They are a lot more than what their record says.”

Kabuhol ng Rain or Shine sa 9th-12th ang Alaska, Phoenix at Blackwater. May bago ring ipaparadang import ang Elasto Painters kay Richard Ross na ipinalit sa injured na si Kwame Alexander.

“Their young guards are dangerous and more so when they mature,” dagdag ni Guiao.

Una rito si Rey Nambatac, kasama sina Javee Mocon at Ed Daquioag. Inabot ng ankle sprain si Nambatac sa 98-89 loss ng Painters sa Ginebra nitong Sabado pero inaasahang makakalaro din ngayon.

Tapos ng Painters, Nov. 10 na muling babalik ang Road Warriors laban sa Magnolia.

“We have a long break after this game and it would be nice to reward ourselves with a tie for first place if we can carve out a win versus Rain or Shine,” panapos na sabi ni Guiao. (VE)