Guiao inupakan ang mga referee, sinisi sa 0-3 record ng NLEX

Hindi mapigilang turnovers at ‘bad officiating’ ang sinisisi ni Coach Yeng Guiao sa dalawang huling talo ng NLEX sa PBA Phi­lippine Cup elims.

Lubog na sa 0-3 overall ang Road Warriors, aminado ang coach na hindi pa makuha ng team ang ritmo.

Noong Linggo ay tumukod ang NLEX sa NorthPort 95-90, makalipas ang tatlong araw ay kinapos naman sa TNT KaTropa 85-80.

Kontra Batang Pier, napuwersa sa 23 errors ang Road Warriors, mas maraming 26 mistakes laban sa Texters.
“The game was still close despite that (turnovers) and bad officiating,” ani Guiao, ejected pa kontra TNT nang matawagan ng pangalawang technical sa third quarter.

“It’s hard to survive 26 turnovers and bad officiating at the same time. We’ll just have to keep staying positive,” dagdag ng coach.

Hindi niya maiwasang maghimutok sa tawagan, aniya ay kontra Batang Pier pa.

“’Yung kay Poy (Erram) na tinawagan siya ng fifth foul niya sa NorthPort. ‘Yun ‘yung inipit ‘yung kamay niya ni (Mo) Tautuaa tapos tinawagan siya ng foul, eh ‘yun ‘yung fifth foul,” balik-tanaw ni Guiao, ilang oras nang tapos ang laro kontra TNT nang lumabas ng dugout sa Smart Araneta Coliseum. “From then on, he really was not useful defensively anymore.”

Ganun pa rin ang nakita niyang nangyari laban sa Texters.

“Then ngayon, ang daming situation. Open court, lumay-up si Kevin (Alas), wala nang ibang gagawin dun. They could not give him the free throws,” patuloy niya. “It was an obvious foul on JR (Quinahan). They’re missing the obvious. … I cannot understand that. There is something wrong with that. May problema doon. I’m just frustrated. We’re already struggling, masama pa officiating, you’ll really get frustrated about it.”
Mula sa 26 turnovers ng NLEX, nangolekta ang TNT ng 27 points para kontakin ang unang panalo sa pangatlong laro.