Matatasahan sa unang pagkakataon ang samahan ng bagong buong pool ng national team ni coach Yeng Guiao sa apat na friendly games kontra dalawang team umpisa ngayon.
Binuo ni Guiao ang 20-man pool noong Nob. 6, nakailang praktis na rin na magkakasama bagama’t hindi pa full blast dahil kasagsagan noon ng playoffs ng PBA Governors’ Cup.
Tapos na ang playoffs at nag-break ang PBA, magiging araw-araw na ang ensayo ng Nationals bago ang dalawang home games sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Sa Nob. 30 ay iho-host ng Pilipinas ang Kazakhstan bago ang Iran sa Dis. 3. Parehong sa MOA Arena ang mga laro.
Nasa pool sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Gabe Norwood, Japeth Aguilar, Paul Lee, Jayson Castro, Matthew Wright, Beau Belga, Troy Rosario, LA Tenorio, Scottie Thompson, Alex Compton, Marcio Lassiter, Arwind Santos, Poy Erram, Ian Sangalang, cadets Ricci Rivero at Kai Sotto, at gagamiting naturalized players na sina Stanley Pringle at Christian Standhardinger.
Unang sasabak sa scrimmage ang Nationals kontra Jordan ngayong araw, Nob. 19, at sa 21. Sa Nob. 23 at 25 naman ay haharapin ang Lebanon.
Sa Meralco gym lahat ng mga laro.