Nakumpleto na kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DoH) Joint Committee na inatasan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) sa guidelines para sa sports at outdoor physical activities sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).

Agad na isinumite ng PSC-DOH Joint Committee ang rekomendasyon sa IATF para makunsidera at aprubahan. Bumubuo sa joint committee sina PSC Chief of Staff at Philippine Sports Institute (PSI) Director Marc Edward Velasco, Dr. Randolp Molo ng PSC Sports Medicine Department at DOH Assistant Secretary Dr. Beverly Ho.

Inirekomenda ng joint committee ang pagsasagawa ng sports at outdoor physical activities sa Ialim ng GCQ na kinabibilangan ng mga non-contact sports at sa mga makatutugon sa itinakda ng health protocol tulad sa pagsusuot ng face mask at may social distancing.

Ilan sa sports na puwede nang gawin sa GCQ ay ang lawn tennis, table tennis, golf, badminton, cycling at running.

Pero sa precautionary measures ng mga laro ang paggamit ng training masks, disinfectants at pagsusuot ng personal protective equipment (PPEs) sa mga officials, umpires, referees at coaches para mabawasan ang panganib ng paglaganap ng COVID-19 virus. (Lito Oredo)