Naglabas na ng guidelines ang Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa tamang pangangasiwa ng mga awtoridad sa mga sumusukong drug user at mga pusher.
Ayon kay PDEA Director General Isidro  Lapeña, ang nasabing guidelines ay nakapaloob sa Dangerous Drugs Boards Regulation No.3 Series of 2016.

Nakasaad sa guidelines na ang mga boluntaryong sumuko na drug personalities ay hindi parin ligtas sa paghuli ng mga awtoridad kung kinakailangan at ang kanilang pagsuko ay dapat naka-video habang iba-blotter ang kanilang mga personal na impormasyon.

Dapat din silang isailalim sa body search at papi­pirmahin sa affidavit of undertaking at waiver para maisailalim sa eksminasyon gayundin sa drug test.

Ayon pa sa PDEA kung ang sumuko ay may dati ng kaso o may warrant of arrest ito ay ikukustodya ng awtoridad.

At kapag ang sumuko naman ay user o gumagamit ng droga maari itong isailalim sa rehabilitasyon pero sagot nito ang gastos subalit kung walang kakaya­hang pinansyal ay puwede itong idaan sa community based rehabilitation program.

4 Responses