Guino-o, FEU muling raratsadahin ang NU

Guino-o, FEU muling raratsadahin ang NU

Tiyak na mas maanghang ang laro ni Heather Guino-o Anne at Far Eastern University upang muling mapaamo ang National University mamayang alas-2 ng hapon at lumapit sa semifinals sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament second round eliminations sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Malaking bagay sa Lady Tamaraws ang panalo kontra University of the Philippines noong Abril 6 via 25-21,19-25, 25-23, 25-22 sa tulong ni veteran open skipper Heather Guino-o na kumayod ng 22 points.

“Sabi ko nga sa kanila natalo man tayo sa Ateneo pero don’t give up. Kaya ang motto namin, ‘Matapang ako, lalaban ako, kaya ko,” litanya ni FEU coach George Pascua.

“Yun ang ini-emphasize ko sa mga player ko after namin matalo sa Ateneo. So ‘yun din ang isinisigaw din nila para ma-boost ang morale, panapos niya.”
Kinatay ng Morayta-based volleybelles ang Lady Bulldogs sa first round elims o sa pagbubukas ng 8-team league noong Peb. 16 sa loob ng apat na set.

Kapos pa rin ang bangis ng mga balibolista ng Bustillos sa pagtutuos nilat naasusena ng Lady Eagles tatlong araw pa lang ang nakararaan, 14-25, 26-24, 17-25, 19-25 noong Abril 7.
(Janiel Abby Toralba)