Gulo sa POC: Ramirez humiling na magkaisa

Gulo sa POC: Ramirez humiling na magkaisa

Hiniling ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang pagkakaisa sa mga opisyal ng sports sa bansa habang ‘di nagkomento sa posibleng pagtatalaga sa kanya bilang Chef de Mission ng Team Pilipinas sa iho-host dito na 30th Southeast Asian Games 2019.

Tugon niya ang panawagan sa Philippine Olympic Committee (POC) general assembly kung saan inalisan ng katungkulan ang ilang board member nitong Lunes.

Inalis bilang POC Membership Committee chairman si Robert Bachmann pati na rin sa kanilang responsibilidad bilang mga board member sina Jonne Go, Jose Romasanta, at Jose Cojuangco, Jr., 2019 SEA Games CDM Manuel Monsour del Rosario at deputy Charlie Ho.

Ipinalit kay Bachmann ang dating presidente ng muay thai na si Lucas Managuelod habang papalitan ni Tolentino bilang chef de mission ng Team Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics si Romasanta.

Ipapalit kina Del Rosario at Ho si Ramirez.

Gayunman, agad na sinantabi ni Ramirez ang pagtatalaga dito bilang SEAG CDM, na maayos na rin niyang nagampanan nang magkampeon ang bansa sa 2005 SEAG kung saan sa kanilang dalawa ni dating POC president Celso Dayrit kinekredito ang tagumpay.

“No comment ako diyan, while ongoing ang kanilang problema. We are concern,” sabi ni Ramirez. (Lito Oredo)