Nakahandang tumulong si volleyball star Michele Theresa Gumabao sa mga kanyang mga kababayan Psa Quezon City kung saan siya residente.
Batid ng isa sa mga pambato ng Premier Volleyball League (PVL) na naglalaro sa Creamline Cool Smashers, ang problema ng mga ospital sa QC.
Kaya naman hangad ng 27-year-old, 5-foot-10 veteran opposite hitter, na magkaroon ng temporary shelter sa mga PUM (person under monitoring) at PUI (person under investigation) patient.
Sa kanyang Instagram post kahapon, inimbitahan ng magandang dalagang balebolista ang mga nais mag-donate para sa mga pasyente ng coronavirus disease.
“Now is the time to think how we can be of help and service in our own simple way. One of the biggest concerns of QC now is that hospitals are full! We need to decongest hospitals and set up temporary shelter for those awaiting their results and for some PUM and PUI cases,” caption ni Gumabao.
Hinirit pa niyang, “If you have been wanting to donate but don’t know where and how. Message me! These facilities need to be equipped with basic necessities. If we are not connected on social media my email is in my bio. For Quezon City.” (JAT)