Nagtungo sa San Juan City para tumulong sa mga fontliner sina Philippine Premier Volleyball League (PVL) star Michele Theresa Gumabao at controversial Philippine Basketball Association (PBA) player Calvin Abueva.

Namahagi ng packed meals sina Gumabao ng Creamlinbe Cool Smasher at Abueva ng Phoenix Super LPG sa SJC Police at San Juan Medical Center, at nag-turn over din ng relief packs para sa San Juaneños.
“Papaalalahanan lang po namin kayo na always stay home, stay safe and stay healthy,” anang 27-year-old, 5-foot-10 volleybelle na lumalarong opposite hitter sa isang video na pinost ni Mayor Francisco Javier Zamora.

Hirit naman ng 32-anyos, may taas na 6-2 at forward ang posisyon , “At sa mga frontliner, lagi kayong mag-ingat at lagi (kayong) gabayan ng Panginoong Diyos.”

Pinasalamatan naman Zamora ang tulong na ibinahagi ng mga beteranong manlalaro sa kanilang lokal na pamahalaan.
“Thank you very much Calvin Abueva, Michelle Gumabao, Aldo Panlilio and his father for donating food for our frontliners and food packs for our San Juaneños. Thank you very much Don Allado for making this happen,” sambit ng alklade. (Janiel Abby Toralba)