NAMANGHA si Rey Valera sa mga sumasali sa TAWAG NG TANGHALAN sa It’s Showtime.

Ang dami niyang nakitang magagaling kumanta, na kahit hindi naging champion, maga­ling pa rin.

Kaya may binabalak si Rey na project kung saan kukunin niya ang mga nakita niyang magaga­ling na contestant na sumali sa TAWAG para mabuo niya ito.

Kuwento ni Rey, “Nag-iisip kami nga­yon na mga matatandang composer na gumawa ng isang album na puro single at pagsama-samahin ito para makanta lang ‘yung mga makalumang approach namin para i-introduce sa mga kabataan ngayon.

“Ang tawag ko rito, SONGWRITER’S PROJECT. Kasi, ‘yung parang may tulay lang na panahon natin at mga millen­nials ngayon.

“Ito ang tingin namin na ma­ging tulay para mapagtagpo ang dalawang mundo, at tinitingnan namin sa kanila kung sino kaya ang pupuwede rito?

“Bukod sa mga ginagawa naming pang-araw-araw.”

Definitely, makakatuklas sila ng mga bagong talents mula sa TAWAG NG TANGHALAN dahil ang da­ming magagaling.

Naikuwento ni Rey na merong isang contestant na kumanta ng Malayo Pa ang Umaga niya, at aminado siyang mas magaling ito sa kanya.

“Ang layo sa version ko, ang galing! Tala­gang laglag ako!” bulalas ni Rey.

Malaki ang nagawa ng TAWAG NG TANGHALAN para mapanatiling active ang ating music industry.

Naniniwala siyang maraming madi-disco­ver na magagaling na singers mula sa timpalak na ito ng It’s Showtime.

Patutunayan din ni Rey kasama ng iba pang hitmakers na sina Hajji Alejandro, Marco Sison at Rico Puno ang galing nila at nandiyan pa rin ang mga supporters nila sa nalalapit nilang concert na The Best of the OPM Hitmakers na gagawin sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila sa December 9, na prinodyus ng Starmedia Entertainment.

Sayang at wala si Nonoy Zuñiga dahil nakabase na ito sa Amerika at mahirap nang ma-contact.

Special guest naman nila si Jessa Zaragoza sa concert na ito.

Sa mga interesadong bumili ng tickets, puwede n’yong i-check sa Ticketworld, tel.# 891-9999.

One Response