DAHIL malapit nang mag-Independence Day, nagkalat ang Phi­lippine Flags sa kung saan-saan.

Mapapansin ito nina Elvis, Alice at Moira sa 7th episode ng Daig Kayo ng Lola Ko ngayong Sunday.

Mapapag-usapan nila ang kalayaan pati ang mga bayani.

Elvis tells everyone na gusto niya ring ma­ging bayani.

Ang turo ni Lola Goreng (Gloria Romero), kapag may tapang kang gawin ang tama, kapag tumutulong ka sa kapwa mo, kapag naninindigan ka para sa mga maliliit na tao… bayani ka na rin. Kaya desidido si Elvis na makatulong.

Ang kaso, mawawala niya ang magic wand niya. Problemado si Elvis.

Paano na siya makakatulong nang walang magic eh maliit pa siya at hindi pa siya ganu’n kalakas?

Dito na magkukuwento si Lola tungkol kay Chuck, the tailor.

Si Chuck ay isang simpleng mananahi lamang pero pangarap niyang maging pulis…

Sundan ang istorya ni Chuck the tailor tungkol sa hindi pagsuko sa mga pangarap kahit anong mangyari!