Subukan ang ilang tips na ito.

* Mag-hot tea muna kalahating oras bago kumain. Ito ay dahil sa mabisa ang tea sa digestion.
* Magteka-teka muna sa softdrinks, matatamis na juices o malamig na tubig.
* Ugaliing mag-buko juice dahil malaking tulong ito para mailabas ang mga toxin sa katawan.
* Big no, no ang mapuyat. Ito ay dahil sa napapalakas ang kain ng mga taong kulang sa tulog.
* Mag-tofu o tokwa dahil lumabas sa pag-aaral ng Louisiana State University na may taglay itong protina na nakababawas-gana sa pagkain o appetite.
* Kumain ng kamote. Napapaliit ng kamote ang fat cells sa katawan.
* Sampalok – malaki ang naiaambag nito sa re­gular na pagdumi
* Saging na bukod sa mabisang pampabusog, may flavonoids ito na panlaban sa ulcer.
* Umiwas sa condiments na nakakadagdag-sarap sa pagkain dahil mauuwi ito sa sakit sa bato at pagtaas ng presyon.
* Konti-konti lang sa matatamis dahil malakas magpataba ang sugary at starchy foods.
* Kumain ng prutas sa halip na mga chips na wala halos sustansya.
* Eat anything you want in moderation or eat slowly para konti lang ang makain.