Gustong makipag-sex ng BF na pumanaw

Napanaginipan ko po ang dating boyfriend ko na isang foreigner. Sa aktuwal na buhay, namatay po ang boyfriend ko.

1 year and 5 months na siyang patay. Sa pana­ginip ko, masaya po ang mukha niya at gumuwapo pa. Yumakap daw po ako ng mahigpit sa kanya at iyak ako nang iyak. Gusto niya pong makipag-sex sa akin pero sinaway ko siya.

Tinanong ko raw siya kung ano ang gagawin ko sa iniwan niyang relo at kung ibibigay ko ito sa kanyang anak, pero hindi niya ako sinagot. Sa tunay na buhay, wala namang naiwan kahit ano ang boyfriend ko. Siya pa nga ang may utang sa akin na malaking pera na sana ay ipapang-negosyo namin. Pagkatapos po ay biglang nabago ang panaginip ko at naging ibang topic naman.

Ang panaginip tungkol sa mga namatay ­nating mahal sa buhay tulad ng iyong boyfriend ay itinuturing ng mga psychologist bilang isang paraan ng iyong subconscious para maka-move on sa kanyang pagkawala.

Minsan sa pagkamatay ng isang taong malapit sa atin, iba’t ibang emosyon ang naiiwan tulad ng guilt kung hindi mo nadamayan nang husto ang isang namatay, pagkalungkot dahil sa kanyang pagkamatay at pangungulila. May pagkakataong sa likod ng isip natin ay hindi pa rin natin matanggap ang kanyang pagkamatay.

Pero ang ganitong uri ng panaginip ay itinutu­ring ding simbolo ng mga pagbabago sa ating buhay. Sa iyong panaginip, sinabi mong masaya ang mukha ng iyong boyfriend. Karaniwan nating iniisip na kapag namatay ang isang tao, tapos na ang kanyang mga paghihirap sa mundo at mapupunta na siya sa isang ‘better place.’ Ito ang sinasabi ng isip mo kaya nakita mo siyang maaliwalas ang mukha.

Ang eksenang gustong makipag-sex sa iyo ng iyong boyfriend ay nag-uugat naman sa iyong pangungulila sa kanya kung ang sex ay naging bahagi ng intimacy ng inyong naging relasyon.

Sinabi mong may na­utang na malaking pera ang iyong boyfriend at ang iyong panaginip ay maaaring paraan na ng iyong isip para matanggap mo na kasabay ng kanyang pagkawala ay wala na ring pag-asang mabalik pa ang perang kanyang inutang dahil alam mo rin na hindi mo na ito ipapasa sa kanyang naiwang anak. Ang relo ang puwedeng naging simbolo ng utang na ito at sa iyong panaginip ay hindi naman sinabi ng boyfriend mo na ibigay ang relo sa kanyang anak. Iyon mismo ang mensahe ng subconscious mo sa iyong sarili.

Sa kabuuan, ang iyong panaginip ay nagbibi­gay na ng closure sa chapter ng buhay mo tungkol sa iyong namatay na boyfriend. Nagkakaroon ka na ng acceptance sa kanyang pagkamatay at kasunod nito ay ang pagbuo muli ng mga bagong pangarap na hindi na siya kasama.

Ang tungkol sa iyong pangalawang serye ng panaginip ay tatalakayin na lamang natin sa ibang araw.

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.