Gustong umiskor sa P8K ayuda, barangay employee nabulaga

Nabulaga ang isang empleyado ng barangay matapos itong ipadampot ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian habang nakapila para kumuha ng P8,000 Social Amelioration Program (SAP) na ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Si Kane Cabrera, barangay tanod ng Gen. T. De Leon, Valenzuela City ay sorpresang binitbit ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2, habang nakapila upang kubrahin ang ayuda ng DSWD sa harap ng Parish of the Holy Cross ng nasabing barangay, dakong alas-10:00 Linggo ng umaga.

Nabatid na kahit kawani ng gobyerno si Cabrero ay miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang kanyang asawa, , nag-fill up pa rin sila ng Social Amelioration Card (SAC), gayung nasa guidelines ng DSWD na hindi sila kasama sa ayuda.

Ayon kay Mayor Gatchalian, sibak na sa trabaho, kakasuhan at maari pang ikulong ang sinumang manloloko sa proseso ng SAC. (Orlan Linde)