‘Gutom’ sa korona tatapusin ni Durham

Finals Game 1 sa Enero 7:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm – Ginebra vs Meralco

Hindi makakalimutan ni Meralco Bolts import Allen Durham ang nakalipas nitong dalawang kabiguan sa korona kontra Barangay Ginebra.

Kaya naman gutom na gutom na si Durham para sa kanyang unang korona sa pang-apat na subok.

“As a competitor, you want to play against the best and he (Brownlee) has shown he’s one of the best imports in the PBA year after year. So definitely, it will be a battle,” sabi ni Durham, na ilang beses nagtala ng triple double sa eliminasyon upang itulak ang Bolts na makabalik sa kampeonato.

“It’s going to be fun,” sabi pa ni Durham, na mu­ling makakatapat bilang import si Justin Brownlee para sa Barangay Ginebra na matatandaan na isinalpak ang halos half court na buzzer-beater upang hablutin ang korona dalawang taon na ang nakalipas.

“Our goal is to win the champion­ship. We got a lot of res­pect for Ginebra. Tim Cone is one of the top coaches in the league, but our goal is to win, as simple as that,” sabi naman ni Meralco coach Norman Black.

Una nang inangkin ng Ginebra ang titulo noong 2016 sa loob ng anim na laro bago inulit noong 2017 kung saan itinala nito ang panalo sa loob ng pitong laro. (Lito Oredo)