Dinakip ng mga awtoridad ang isang security guard sa Cebu matapos mag-post sa kanyang social media account hinggil sa pagbabanta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bago dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Central Visayas (NBI-7)
Security Guard sa Cebu ang suspek na kinilalang si Dether Pajartine Japal, security guard mula Lapu-Lapu City Huwebes (May 14) ng umaga ay nag-post ito sa kanyang facebook page na magbibigay siya ng P20,000 reward sa sinumang makapapatay kay Pangulong Duterte.
Sinisi pa nito na ang Pangulo ang dahilan kung bakit nawalan siya ng trabaho.
Bukod sa pagmumura ay nagbanta pa itong babarilin si Duterte oras na sila ay magkita.
“..you ka dutae. barilin kita sa mukha.. nawalan kami tuloy ng trabaho dahil sayo…pagmalapitan lang kita babatilin kita jan eh…may rewards ako, 20K kung sino maka patay sa putang inang tae nayan,” saad ng suspek habang may kalakip na `dirty finger’ na picture sa kanyang FB post.