Gymnast Yulo namumuro sa 4th World Cup medal

Nagbabanta si Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo na masungkit ang ika-5 niyang medalya sa pangkalahatang pandaigdigang kompetisyon sa taong ito o ika-4 na sa may 8-yugtong 10th International Gymnastics Federation World Cup 2018 series.

Swak ang 18-anyos na Pinoy gymnast star mula sa Malate, Manila sa 43rd Turnier der Meister FIG Individual Apparatus World Cup 2018 floor exercise finals kahapon sa Lausitz Arena sa Cottbus, Branderburg, Germany.

Kumakasang pumwesto sa ika-2 sa 56 kalahok si Yulo sa naiskor na 14.900, iwan lang ng 66 na puntos sa nagtatrangkong si Artem Dolgopyat ng Israel (14.966). Pero mas malaki ang kanyang bentahe sa nasa likod niyang si Casimir Schmidt ng Netherlands na may 14.533.

Ang mga bumubuo sa Magic 8 na mga maglalabo-labo ulit para naman na sa gold-silver-bronze ay sina German Felix Remuta (14.333), Loris Frasca ng France (14.233), Chia-Hung Tang ng Taiwan (14.200), Ahmet Onder ng Turkey (14.200), Emil Soravuo ng Turkey (14,133).

Patungo rito, kaka-bronze lang ni Yulo sa 48th Artistic Gymnastics World Championships 2018 men’s senior floor exercise sa Doha, Qatar noong Oktubre 25-Nobyembbre 11.