Habagat pa rin ang umiiral ngayon sa malaking bahagi ng Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ang makakaranas ng Habagat ay ang extreme Northern section ng Luzon at Western section nito.
Samantala, ay mga panandaliang pag-uulan naman o thunderstorm ang asahang mararanasan sa mga nalalabing mga bahagi ng bansa.
Mababa naman ang tiyansa ng pag-uulan sa umaga ngunit posibleng makaranas ng thunderstorm pagsapit ng tanghali hanggang sa hapon.