Iminungkahi ni House committee on transportation chair Edgar Sarmiento sa gobyerno na gamitin ang isang buwang lockdown sa Luzon sa pagpapaayos at pagsasailalim sa full maintenance ng railway system sa bansa.

Ayon kay Sarmiento, ngayong naka-community quarantine ang buong Luzon, maaari nang magsagawa ang Department of Transportation (DOTr) ng in-depth maintenance ng mass transportation system partikular ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) “without compromising the health and safety of its personnel.”

Ipinaliwanag nito na ang isang buwang lockdown ay maaaring maging ‘virtual reset button’ para sa dilapidated na nalulumang mass transport system ng bansa.

“The suspension of LRT and MRT operations presents an opportunity for the managements of these rail systems to fix all the problems that has plagued them for a very long time, ”dagdag ng mambabatas. “We have to take advantage of the enhanced community quarantine as a sort of reset button of the rail systems.

All the needed repair works in the past are not fully carried out because we can- not stop the operation of these rail systems,” ani Sarmiento. “At least pagbalik natin sa normal na pamumu- hay at muli na namang dadagsa ang mga tao sa ating mga tren eh maganda na ulit ito at hindi na ito madalas nasisira,” dagdag pa nito.

Nagbabala ito na kailangang sundin ang biohazard protocol kung gagawin ito upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. (JC Cahinhinan)