Ipinaalam ni Pasig City Mayor Vico Sotto na na-hack ang Twitter account ng Public Information Office (PIO) ng lungsod kahapon.

“Fyi. Our official PIO Twitter account was hacked at 10:15 a.m. It is now secure,” sabi ni Sotto.

Sa ulat, naglabas umano ng pornographic image ang hacker na agad ding natanggal matapos marekober ang account.

Iniimbestigahan na umano ang insidente ng hacking sa social media account ng lungsod na ginagamit umano para maipakalat ang mahahalagang impormasyon sa kanilang mga residente.