Bago pa man lumabas ang arrest warrant ay nagpiyansa na si da­ting Puerto Princesa, Palawan Mayor Edward Hagedorn kaugnay sa kasong malversation na kanyang kinakaharap sa Sandiganbayan.

Sa resolusyon ng Third Division ng anti-graft court noong Mayo 7 ay nakitaan ng pro­bable cause upang litisin si Hagedorn sa kaso nitong malversation of public property na susundan na rin ng pag-iisyu ng arrest warrant at hold departure order laban sa kanya.

“After a careful review of the records, the Court finds that probable cause exists in this case, pursuant to Section 5, Rule 112 of the Revised Rules of Criminal Procedure,” ayon sa Sandiganbayan.

Ngunit inunahan ni Hagedorn ng pagpapiyansa bago pa mailabas ang arrest warrant para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nag-ugat ang kaso sa pagkabigo umano nitong isoli ang 14 ­Armalite rifle na nagkakahalagang P490,000 sa city government nang matapos ang kanyang termino bilang ­mayor ng lungsod noong ­Hulyo 1, 2013.