Dear Abante Tonite:
Nakakapangamba ang papalapit na bagyo (Hagibis) sa ating bansa. Alam naman natin na kakaiba na ang mga bagyong dumadating sa ating bansa dahil sobra na itong mapinsala. Sino ba ang hindi nakakalimot sa Yolanda at Ondoy na sanhi ng pagkamatay ng libo-libong Pilipino. Dagdag pa riyan ang ilang milyong ari-arian na nasayang at nawala.
Kaya naman dapat talagang maging alisto at handa tayo sa lahat ng sakuna sa ating bansa. Dapat ding pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang paghahanda sa ganitong sakuna upang maiwasan ang casualities.
Sana rin hindi mahaluan ng politika ang pagtulong ng gobyerno sa mamamayan at hindi na mangyari ang hindi pamamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo o ng sakuna. Marami kasing mga relief goods ang nabulok lamang at hindi napakinabangan. Mag-ingat po tayong lahat.
Dagat Velarde