Labis na kinalungkot ni Kapamilya actress Angel Locsin ang pagpapasara ng ABS-CBN ayon sa kanyang fiance na si Neil Arce.

Sa Instagram, ibinahagi ni Arce ang naging reaksyon Locsin matapos ang “cease and desist” order na ipinataw ng National Telecommunications Commission kontra sa ABS-CBN.

“Breaks my heart seeing her like this. Angel didnt renew her contract So technically she did Not lose her job. She’s been crying non stop since she saw The News online because she knows 11,000 people lost their jobs.” caption ni Arce na isang businessman at isang film producer.

Iginiit rin nito sa kanyang post ang malaking epekto ng pagpapasara sa television network ngayong may coronavirus crisis.

“We’ve been under ecq for 2 months now trying to save lives. Wala pang 10000 ang may covid dito pero ngayon 11,000 na tao ang mawawalan ng trabaho at milyong milyon na Pilipino ang hindi makakatanggap ng quick Information and konting kaligayahan sa mga panahon na ito. NTC you are evil. How dare you take away 11,000 jobs. We Will remember this. ” punto pa ni Arce. (JAT)