Hailey Bieber sinuportahan si Selena

Hailey Bieber sinuportahan si Selena

May hugot ang bagong awitin ng singer na si Selena Gomez. Mukhang may kinalaman ito sa nakaraan niya sa ex-boyfriend na si Justin Bieber.

Pero mukhang sinusuportahan naman ito ng asawa ng kanyang ex na si Hailey Baldwin Bieber.

Pinamagatang “Lose You To Love Me” ang bagong single ni Selena na tagumpay na inilabas noong Miyerkoles.

Sa success na nakuha ng kanyang new single, nagbigay ng mensahe si Selena sa Instagram. Pinababatid niya na hindi dapat kinakalaban ng kababaihan ang isa’t isa.

Kasunod nito, nag-post ng larawan ang BFF ni Selena na si Racquelle Stevens kasama ang iba pa nilang kaibigan.

“Celebrating,” caption ni Racquelle sa larawan. Ni-like naman ito ni Hailey Baldwin.

Mukhang suportado rin niya ang tagumpay na nakamit ng ex-girlfriend ng kanyang asawa. (Ronaline Avecilla)