Hairdo ni Thirdy astig

MADAMING naidudulot ang napakahabang home quarantine sa mga nababagot na atleta.

Ang basketball star na si Thirdy Ravena, nagpakulay ng kanyang buhok – literal na makulay!

Makikita sa Instagram post ng dating Ateneo Blue Eagles superstar ang kanyang bagong hairdo, na pinaghalong kulay ng pula at orange.

Marami namang netizen at kapwa atleta ni Thirdy ang naastigan at natuwa sa kanyang bagong itsura.

“Nice idol,” komento ni volleyball player at beauty pageant contestant na si Michele Gumabao.

“All kinda crazy colors,” sey naman ng isang netizen.

“Side effects of ECQ,” pang-aalaska naman ng isa pang fan. (Ferdz Delos Santos)