Half-Pinay gustong ipagbawal sa Miss Universe

Pagkatapos na manalo nina Catriona Gray at Pia Wurtzbach bilang Ms. Universe, may mga espekulasyong lumulutang na ipagbabawal na ang mga half-blooded candidate sa nasabing beauty pageant.

May mga napabalitang may nag-uudyok din na i-adopt ito sa Bb. Pilipinas at maging sa Miss World Philippines para raw mapangalagaan ang kapakanan ng mga tunay o berdaderong Pinay.

May mga nagpetisyon umano sa mga bansang tulad ng Vietnam, Thailand, Indonesia, Costa Rica, Poland at South Korea na ipagbawal ang mga half-blooded candidates o mga mestisa na sumali sa glamorosong pageant.

Ayon pa nga sa isang bansang nagreklamo, unethical daw na tanging ang Pilipinas sa mga bansang Asyano ang nagpapadala ng mga half-blooded candidate sa loob ng nakaraang limang taon.

“We really think this is an insult not only to the organization but to the whole Asian region,” ayon sa report. “The Philippines is the only Asian country to use half-Filipina contestant in the last five years.

There is no law that has been violated but it is ethically unacceptable”.
Sa isa namang report, pinabulaanan ito ng isang fact-checking partner ng isang social media site.

Katunayan, wala raw sa mga rule ng Ms. Universe na nagsasabing pure-blooded candidates lang ang puwedeng sumali.

Hindi rin raw totoong ang Pilipinas lang ang nagpapadala ng mga half-blooded candidates dahil ayon pa sa datos, ang naging kinatawan ng Japan sa Miss Universe 2015 ay isang Japanese/African-American. (Archie Liao)