Archie Liao

Sobrang napabilib  ang unkabogable at box office superstar na si Vice Ganda sa ipinakitang pagpapakuwela ng kanyang dalawang leading men na sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez sa pelikulang “Fantastica” na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

“I admire iyong passion nila bilang actor. Ang gaguwapo nila and yet hindi sila natatakot na magmukhang katawa-tawa.

Hindi sila natatakot to get out of their comfort zones. Hindi sila natatakot na mag-experiment… and I think for me, that’s the true essence of a versatile actor,” aniya.Hirit pa niya, aminado siyang noong una ay na-awkward ang dalawang actor na kilala bilang magagaling na dramatic actors sa pakikipagsaba­yan sa comedy sa kanya.

“Iyong batuhan ng punchlines, kaya nila iyon. Nahirapan lang sila sa physical comedy kasi hindi naman talaga madali iyon kasi hindi sila sanay.

Pero nagawa rin nilang itawid kaya naman, nadagdagan ang respeto ko sa kanila,” paliwanag niya.

Masaya rin si Vice dahil nakakaaliwalas daw ng vibes lalo na’t nakadagdag sa youthful vibe ng pelikula ang pagkakasama sa cast ng mga kilalang loveteams nina Mayward, DonKiss at Loinie na nga­yon pa lang ay kabi-kabila na ang pag-o-organize ng kanilang mga fan’s club ng mga block screening.Biro pa niya, nagpapasalamat din siya sa Star Cinema dahil pinagbigyan ng kompanya ang kanyang kahilingan na magkaroon ng kissing scene sa kanyang mga leading men.

First time akong pinagbigyan ng Star Cinema kasi matagal ko nang ni-request sa kanila na magkaroon ng kissing scenes kasi baka hindi na mapagbigyan dahil baka hindi ko na sila makatrabaho sa sobrang busy nila,” pahayag niya.Salaysay pa niya, maraming pangabog daw ang pelikula tulad na lamang ng kanilang pagtatanghal sa loob ng perya.

“Lahat kami nag-perform kasi iyon ang puso ng pelikula,” pagwawakas niya.Bukod kina Dingdong at Richard, tampok din sa “Fantastica” sina Bela Padilla, Jaclyn Jose, Ryan Bang at ang pinakamaiinit na love teams ng bagong hene­rasyon na MayWard, DonKiss at LoiNie. (