Hammonds, Basilan Steel 3X3 champs

Nagkaroon ng bagong hari sa 3×3 basketball matapos kumpletuhin ng Phenom-Basilan Steel ang Cinderella run sa 2019 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Patriot’s Cup noong Sabado ng gabi sa SM Megamall Events Center.

Nagpakitang-gilas sina Marcus Hammonds, Roosevelt ­Adams, Franky Johnson at Troy Rike upang akbayan ang Basilan Steel sa 21-20 panalo kontra Wilkins-Balanga Pure upang makakuha ng ticket para sa 2019 FIBA 3X3 Jeddah Masters sa October 18-19 kasama ang pagsubi ng PHP 1,000,000 cash.

“Wala akong masabi. It couldn’t get more exciting as this,” saad ni Basilan team mana­ger Jackson Chua. “Ang hirap ng dinaanan namin. No better way to end it.”

Namuno sa opensa para sa Basilan si Hammonds na nagtala ng 11 points, may anim na puntos si Adams habang apat at isang puntos ang tinikada nina Johnson at Rike ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)