Hindi napigilan ng mga kongresista na sitahin si Customs Commissioner Nicanor Faeldon dahil sa akusasyon nito sa mga pulitiko na nag-iimpluwensya sa trabaho ng Bureau of Customs (BOC).
Buwelta ni Deputy Speaker at AAMBIS-OWWA Party-list Rep. Sharon Garin kay Faeldon, mag-ingat ito sa mga akusasyon na walang ebidensya at huwag lahatin ang mga kongresista na sangkot sa katiwalian.
Ito rin ang sentimiyento ni Deputy Speaker Fred Castro at hinamon si Faeldon na pangalanan ang mga pulitko na nagrerekomenda ng mga posisyon sa BOC.
Pumalag din si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na walang masama sa pagrerekomenda ng mga kongresista sa mga posisyon sa BOC. Aniya, hindi maiwasan ng mga mambabatas na magrekomenda gaya niya na nagrekomenda ng isa dahil bilang kongresista ay maraming constituent ang lumalapit at nagpapatulong, subalit sa bandang huli ay ang commissioner pa rin ang siyang magdedesisyon kung kuwalipikado ito.
Humingi naman ng paumanhin si Faeldon sa kanyang nasabi na hindi umano intensyong sirain ang Kamara. Sampu lamang umano ang mga mambabatas na kanyang tinutukoy na handa niyang pangalanan sa isang executive session.
piyok kaagad si pichay he he he
HOY!! PECHAY MAY MASAMA SA PAGREREKOMENDA LALO KUNG INCOMPETENT AT GAGAMITIN SA PERSONAL INTEREST YUNG IREREKOMENDA UL0L!
Noong na appoint nga si pechay ni P Gloria, di naman nya alam ang trabaho doon. Kaya nagkaleche leche ang water system