Ibinasura lamang ng Malacañang ang hamon ni senador Antonio Trillanes IV kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpa-drug test ito matapos ang marijuana joke ng Presidente.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat si Trillanes ang magpa-drug test sa halip na maghanap ng damay.
Hindi aniya siya papatulan ni Pangulong Duterte kahit ano pa ang gawin ng senador.
Nagtataka ang kalihim kung bakit pinapatulan pa aniya ng media si Trillanes gayong wala naman itong napatunayan sa lahat ng mga akusasyon nito sa Pangulo at sa pamilya nito.
“I think he should be the one to go that. Di niya papatulan yan. Nagtataka nga ako bakit pinapatulan nyo siya. Di kailangan. Look at this President, malakas.
Sinasabi naman niya sa atin kung anong diperensiya niya,” ani Panelo.