Ikinasal na ang dating miyembro ng T-Ara na si Han Areum noong October 20, 2019. Ito’y sa kanyang fiancée na si Kim Young Geol .Siya ay magiging ama ng ipinagbubuntis niya. Isa siyang businessman at 27 years old.
Ikinasal ang dalawa sa Grand Hill Convention at the neighborhood of Samseong, Seoul. Larawan ng kaligayahan si Han Areum at ang kanyang mister sa kanilang wedding day. Umabot sa 400 na katao ang naging guests nila.
Ang ganda ng singer/actress sa kanyang wedding gown. Hindi pa mahahalatang buntis na siya sa kanilang first baby.
Sa May, 2020 naman expected na manganganak si Han Areum.
Ang nagbigay ng congratulatory message sa bagong kasal ay ang mga Korean singer na sina Kang Min Hee at Jo Yeon Ho. Nakasama at naging close kay Han Aereum ang mga ito nang gawin nila ang “The Unit” ng KBS. Bukod dito, kumanta rin si Han Areum para sa kanyang mister during their wedding.
Nag-share rin ang singer sa kanyang Instagram ng mga picture ng wedding nila at mga litrato na kuha naman ng mga kaibigan niya na dumalo sa kasal.
Sabi ni Areum, “I’m very happy to have you guys. You guys are a treasure that I would never trade for anything else. I love you, friends.”
Nag-post din siya ng picture nila ng asawa niya habang lumalakad sa aisle. Pati rin ang paghahalikan nilang dalawa.
Ang caption niya ay “2019.10.20. After this date, I’m officially taken! I will become a 26-year-old wife who gives unsparing love and dreams with a stable mind. Thank you to everyone who came and gave us their blessings.”