Mararamdaman na ang hanging amihan sa bansa.

Ayon kay Philippine Armospheric Geophysical and Astronomical Ser­vice Administration (Pagasa) Administrator Vicente Malano, nagkaroon na umano’y pagbabago sa direksyon ng hangin.

Manggagaling na umano ang hangin sa bahagi ng China at Siberia mula sa pag-ihip ng easterlies mula sa Pacific Ocean.

Sanhi nito,mas magihing malamig na ang temperatura na tatagal hanggang sa unang bahagi ng taong 2010.

Magkakaroon rin ng malala­king alon mula sa Northern Luzon at easter­n section ng ating bansa.

“For the past several days, strong to gale force northeasterly winds has prevailed over the seaboards of Northern Luzon due to the strengthening of the high pressure system over Siberia. Moreover, gradual cooling of the surface air temperature over the Northeastern part of Luzon has been observed. These meteorological conditions indicate the onset of Northeast Monsoon (Amihan) season in the country. With these developments, the northeast wind flow is expected to become dominant over most parts of the country, bringin­g cold and dry air. Surges of cold temperatures may also be expec­ted in the coming days to months,” base sa advisory Pagasa.

Nagbabala rin ang weather bureau hinggil sa pagpasok ng mga bagyo dahil sa ganitong panahon ay madalas na nagkakaroon ng landfall ang mga nabubuong tropical cyclones mula sa Pacific Ocean. (Julie­t de Loza-Cudia)