Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi pa nakakalabas ng Marawi City ang lider ng terror group na si Isnilon Hapilon.
“Sa ngayon, may impormasyon at naniniwala kami na nariyan pa siya at maaaring ito ang dahilan kaya ang pagdepensa sa mga ilang lugar ay nagiging matindi.
So ‘yun lang po ang masasabi ko sa ngayon,” ani AFP Spokesperson Restituto Padilla Jr., sa press briefing sa Malacañang kahapon.
Target talaga aniya ng militar na madakma si Hapilon.
Inaasahan din aniya na hindi na magiging malakihan pa ang operasyon sapagkat kontrolado na ng tropa ng gobyerno ang Marawi City.
Ilang sibilyan na lamang din ang nasa bahagi ng siyudad.
“Nasa ilang bahagi na lang sila ng siyudad. So hindi namin ine-expect na maging malakihan pa ‘yung operasyon. But be that as it may, we are ensuring and we would like to ensure that the civilian, the innocent civilians in the area are vacated.
So, we are doing this through a door-to-door kind of effort, through messaging, through our civilian friends, through the local government who are actively supporting and helping our forces,” ani Padilla.
“So, kontrolado po ng local government ang kapitolyo, ang munisipyo… at wala pong nawala… sa kamay ng pamahalaan na pinagkukunan po ng pangangalaga ng buong siyudad. So, ‘yan po ay gumagana at patuloy na gumagana,” batay pa kay Padilla.
Ipinaliwanag din ng tagapagsalita ng AFP, ang pakahulugan sa sinasabing ‘in full control’ sila sa sitwasyon.
“We are in full control, meaning to say we can control who comes in and who comes out, who moves around and who doesn’t. And we’re trying to isolate all these pockets of resistance that have remained…
So, we cannot do otherwise because if we do not employ combat power as we needed it and so it fit, we would prolong the clearing process and we would endanger more lives both civilian and military,” paliwanag ni Padilla.