Happy ang hunting sa Pokemon Go!

Isang maitutu­ring na higante sa ­larangan ng computer games ang Pokemon, na halos isang dekadang nahimlay at muling binuhay ng Nintendo at Pokemon Company sa tulong ng Niantic Labs upang maging Pokemon Go.

Pagdating ng Pokemon Go sa Pinas

Inilunsad ang Pokemon Go sa Pilipinas noong Agosto 6, 2016. Nagkaroon ng “Pokemon-go-lure-party” ang SM Malls at Ayala Malls at sa isang iglap ito’y na­ging phenomenon sa buong bansa.

Ang Pokemon Go ay isang App na puwedeng i-download sa Play store ng Android at App store naman sa iOS, ito ay laro na dinesenyo para sa mga smartphones na gumagamit ng internet at GPS.

Click agad sa Pinoy

pokemon-go-team-leadersKung dati ang isang manlalaro ay nakaupo lang at gumagamit ng console para makahuli ng Pokemon, ngayon ang manlalaro ng Pokemon Go ay mayroon ng de­rektang partisipasyon, ­naglalakad at siya na mismo ang naghahanap at nanghuhuli ng Pokemon.

Kapag ikaw ay sumakay sa mga pampublikong transportasyon karaniwan na tanawin na ang mga pasaherong a­bala sa kani-kanilang cellphone, hindi para mag-text, tumawag o mag-Facebook. Halos lahat sila ay abala sa pagla­laro ng Pokemon Go, may mga pasahero pa na lumalampas ng kanilang destinasyon.

Players all-over

pokemon-go-playersMaging ang simbahan ay hindi nakaligtas, kamakailan nagpahayag ng pagkabahala ang Catholic Bi­shops’ Conference of the ­Philippines (CBCP) sa dumadaming bilang ng tao na nagpupunta sa simbahan hindi upang magdasal at manalanagin kundi manghuli ng pokemon dahil halos lahat ng simbahan ay nilagyan ng Pokestop.

Paano maglaro?

Sa paglalaro ng Pokemon Go, kinakailangan ang paglalakad ng mahaba-haba para dumami ang mahuling Pokemon at Pokestop na madadaanan para sa mabilis na pag level-up.

pokemon-go-gymMakikita ang Sightings section sa bandang baba sa gawing kanan, dito magbabase ang mga klase ng Pokemon na maaaring mahuli sa kasalukuyang lugar.

Mahuhuli ang Pokemon sa pamamagitan ng pag-tap sa Pokeball patungo sa Pokemon. Ang “Pokestop” ay lugar na kung saan makakakuha ng “freebies” katulad ng Pokeball, egg, potion, revive, incense, lure mo­dule, razz berry, great ball at marami pang iba.

Karaniwang makikita ang Pokestop sa mga historical pla­ces, monumento, museo, simbahan, parke, landmarks at mga likhang si­ning. Para maging ma­lakas ang isang Pokemon, kailangan niyang mag­- “evolve”.

Upang makapag- evolve, kailangan ang stardust, candy at makahuli ng maraming kaparehong Pokemon.

Power-up

Makakakuha ng isang Pokemon-specific-candy sa pamamagitan ng pag-transfer ng Pokemon kay Professor Willow. Kailangan din ng “Power-up” ng Pokemon para madagdagan ang CP (combat power) at HP (health power) para sa gym battles at pokemon-go-power-upmabilis na pag level-up. Level 5, dito mamimili ng grupo ang manlalaro.

Ang mga grupong pagpipilian ay kulay dilaw na nagrerepresenta ng team Instinct, pula para sa team Valor at bughaw naman sa team Mystic. Pagkatapos ng pagpili ng grupo ay maaari ka nang makipaglaban sa gymn.

Makikita sa mapa ang mga gyms na may iba’t ibang kulay na sumasagisag sa kulay ng kung anung grupo ang nagmamay-ari ng gym. Kapag ang gym ay pag-aari ng ka-grupo, maaari kang maglagay ng Pokemon mo kung hindi ito puno.

Maaari din mapasaiyo ang gym kung natalo mo ang kalaban. Mabibigyan ka ng 10 coins para sa pagkapanalo at habang hindi natatalo sa loob ng 24-oras ay magkakamit ka ulit ng 10 coins.

Game na

Sa pakikipaglaban maaari kang matalo, ang Pokemon ay babalik sa trainer niya para ma­bigyan lunas. Level 6, kung saan unang magkakaroon ng “incubator”, dito nila­lagay ang mga itlog na nakuha mula sa Pokestop at pag level-up.

Ang pagpisa ng itlog ay depende sa layo ng nilakad ng isang manlalaro, may mga itlog na mapipisa sa 2km (1.6 miles), 5km (3.1 miles) at 10km (6.2 miles).

Happy hunting!

Death by Pokemon Go ibinabala

Nagbabala si Gerry Beyer, Governor Preston E. Smith Regents Professor of Law sa Texas Tech University School of Law na ang mga pokemon go players ay hindi malayong masangkot sa iba’t ibang aksidente habang nag­lalakad, nagbibisikleta, nagmamaneho at iba pa.

Katulad na lamang ng isang insidente sa Auburn, New York noong Hulyo 12, taong kasalukuyan nang isang 28-anyos na driver ang nai-ulat na su­malpok sa isang puno habang naglalaro ng Pokemon Go.

Ayon sa Auburn Police Department, aminado ang hindi na pina­ngalanang driver na nag­lalaro siya nang mangyari ang aksidente.

Mabuti na lamang at nagtamo lamang ng minor injuries sa hita ang biktima at isinugod sa Auburn Community Hospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, masuwerte pa ang biktima dahil nabuhay pa ito sapagkat ang makina ng sasak­yan nito ay halos malipat sa passenger compartment.

Sa Baltimore, Maryland ay isa ring aksidente ang nangyari kung saan ay isang driver na naglalaro ng Pokemon Go ang sumalpok sa isang nakaparadang police car.

Mabuti na lamang at nasa labas ng sinalpok na patrol car ang Baltimore Police officer kaya sinwerte itong nakaligtas.

Sa bansang Japan ay nagkaroon din ng isang trahedya na may kaugnayan sa Pokemon Go.

Sa isang ulat, isang estud­yante ng Kindai University sa Osaka, ­Japan ang nahulog sa hagdan habang naghahabol ng Pokemon, ang resulta halos mabalot ng dugo ang mukha ng estudyante.

Dahil sa serye ng aksidenteng nangyari na may kaugnayan sa paglalaro ng Pokemon Go ay nagpalabas ng tips at babala ang mga awtoridad para maka­iwas sa aksidente.

Sa katunayan ay may ilang ahensya ng gobyerno at mga pribadong sektor at eskwelahan ang nagbaba­wal na sa pag­lalaro ng Pokemon Go.