Maganda ang magiging Pasko ng pamilya ng may 10 milyong overseas Filipinos, kabilang ang 2.3 milyong Overseas Filipino Workers (OFWs), kung tutuparin ng Bureau of Customs (BOC) ang plano nitong itaas sa P350,000 ang halaga ng laman ng balikbayan boxes na exempted sa tax.
As it is ay masaya ang ating mga kababayan sa abroad matapos itaas ang tax exempted contents ng balikbayan boxes nila mula P10,000 tungo sa P150,000.
So imagine kung ang P150,000 ay itataas pa sa P350,000 – mas maraming maipapadala sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas ang mga Pinoy na nasa ibang bansa.
Restrictions
Pero siyempre, whether P150,000 o P350,000 ang maging limit ng non-taxable contents ng balikbayan boxes, nandiyan pa rin ang restrictions para masiguro na hindi magagamit ang balikbayan boxes sa smuggling.
Ang ilan sa restrictions ay ang bilang ng klase ng gamit na pwede ilagay sa balikbayan boxes – isa kung mamahaling gamit tulad ng TV, laptop or high-end DSLR camera.
Dapat rin pang-personal use ng pamilya ang items at hindi pangbenta. So, kung ang laman ng balikbayan boxes ay P150,000 worth ng chocolates, aba eh maku-question pa rin ‘yan.
Pampersonal?
Hindi rin pwedeng P150,000 worth ng liquor o alak dahil kasama ‘yan sa highly dutiable goods. So, it’s best para hindi makaisip ang pamahalaan na muling higpitan ang balikbayan boxes ay lumagay lahat sa ayos ang magpapadala.
Simple lang naman ang tanong diyan eh: Pampersonal ba o panggamit ng pamilya ang ipapadala mo at hindi pangbenta? Kung pampersonal at pampamilya, wala naman dapat maging problema.
Kung ikatutuwa ng global Pinoys ang plano ng BOC na itaas ang tax-exempt content ng balikbayan boxes sa P350,000, mas lalo nilang susuportahan ang isang bill ngayon sa Senado.
Safeguard
Layon ng nasabing bill na bawalan ang BOC na buksan ang balikbayan boxes dahil ang pagbubukas ng mga ito ang nagiging ugat ng pilferage o pagnanakaw sa mga laman ng boxes.
Just the same, paiiralin siguro kung maging batas ang bill na yan ang pagsasalang sa X-ray ng balikbayan boxes.
Iyan ay bilang safeguard na hindi magagamit ang balikbayan boxes sa smuggling. Sounds good!
Follow Me On Twitter @beeslist. Kung may ipinagsisintir, tawag lang sa 551-5163 o mag-email sa usapang_ofw@yahoo.com.