Iginiit ni Senador Bam Aquino na tigilan na ang pagpapahirap sa mga overseas Filipino workers (OFWs) partikular na ang paghihigpit sa mga requirement sa pagpasok ng balikbayan boxes.

Kasabay ito ng pagkuwestiyon ng senador sa tila mas maluwag pang pagtrato ng Bureau of Customs (BOC) sa mga malalaking smuggler habang pinahihirapan naman ang mga OFWs.

“Habang pinapahirapan ang mga OFWs na magpadala ng gamit sa kanilang mahal sa buhay, labas-masok naman ang kontrabando sa Super Green Lane (SGL),” ayon kay Aquino.

Inihalimbawa pa ng senador ang P6.4 bilyong shabu shipment na pina­yagang dumaan sa Super Green Lanes o SGL.

Magugunitang inilagay ang SGL upang mapabilis ang paglalabas ng shipment batay sa diskresyon ng BOC at sa pamamagitan nito maiwasan ang port congestion.

Ngunit ayon kay Aquino, tila iba ang direksiyon ng BOC para maresolba ang problema sa smugg­ling.

“Ito ba ang direksiyon ng BOC para maresolba ang problema sa smugg­ling? Pahirapan ang mga OFWs at palagpasin ang mga big time smugg­lers?,” giit ni Aquino.