Hindi malaking balita kapag may isang NBA player na walang free throw shot sa isang laro.

Pero kung James Harden naman ang pangalan ng player na ‘yun, trending agad sa social media.

Sa 117-102 win ng Houston kontra Minnesota Timberwolves nitong Linggo, kahit isang beses ay hindi bumiyahe sa stripe si Harden.

Nakapaglista pa rin siya ng 20 points, may 10 assists. Pero bawat puntos niya, resulta ng isa sa kanyang 24 field goal attempts.

Ayon sa ESPN, unang home game ‘yun ni Harden na hindi nabigyan ng free throw sapul nang maging miyembro ng Rockets noong 2012. Kabuuang 303 regular season at playoff games na tumira si Harden ng at least isang freebie.

Ngayong season, league-best ang average ni Harden na 11.3 free throw attempts per game. Pangalawa sa liga si Joel Embiid ng Philadelphia na may 10 free throw attempts per game.

Kabisado na ni Harden kung paano sumungkit ng foul sa kanyang drives at pull-up jumpers, pero hindi epektibo ito nitong Linggo.

Nasa third place sa Western Conference ang Rockets (44-26) sa likod ng Golden State (47-21) at Denver (46-22).

Umiskor ng 25 si Chris Paul mula sa career high-tying 6 3-pointers, may 10 assists pa para sa Rockets. (VE)