Harden gumastos ng P50M sa club

BALANG araw, isasabit sa rafters ng Toyota Center ang kanyang Houston Rockets jersey.

Pero ang kanyang No. 13, nauna nang na-immportalized sa isang joint sa labas ng court – sa isang club.

Sa latest episode ng Joe Budden podcast, ibinuko ni Jamil Clay aka Mal na ni-retire ang jersey ng The Beard sa isang Houston strip club matapos gumastos ng $1 million (lampas P50 milyon) sa isang gabi.

Parang balewala raw kay Harden ang bill.

“James has his jersey like hanging from the top. They were doing that because they sais James has been going in there spending like (a lot of money), you what I mean?” pambubuko ni Mal. “So they gave him his own jersey hanging from the rafters of the strip club.”

Hindi naman na lingid sa mundo ng basketball ang madalas pagpunta ni Harden sa clubs.

Minsan, bitbit pa ng one-time MVP ang kanyang buong entourage kapag pumasok sa strip clubs – kaya rin siguro lumaki ng ganu’n ang bill.

Tignan: Noong 2017, pumirma si Harden ng four-year extension sa Rockets na nagkakahalaga ng $160 million.

Marami ring endorsements ang 30-year-old superstar, una na ang Adidas.

Isa ang Rockets sa 22 teams na babalik sa July 31 para ituloy ang 2019-20 season. No. 6 sa Western Conference ang Houston sa 40-24, sa likod ng kabuhol na Oklahoma City Thunder. (VE)