Sa pag atake ng COVID-19 sa buong mundo nagkaroon ng sariling mga pagpapakundisyon sa kanilang mga tahanan ang mga NBA player.

Apektado ng coronavirus pandemic ang mga manlalaro kaya sinusubukan nilang mag workouts sa kanilang bahay.

Pero hindi sapat ang mga iyon para kay Houston Rockets star James Harden.

Bago sinuspinde ang liga noong Marso, hinikayat ni 2018 MVP Harden ang mga kalabang team na subukan ang kanyang ginagawa sa workout.

Hinayag ni Kelly Iko ng Athletic ang workout routines ni Harden, tinulungan siya ni former Arizona State teammate Christian Polk, Trainer Justin Allen, at nakababatang kapatid ni NFL tight end Dwayne Allen.

‘I’m not coming out here to hang out and relax. I want to make sure that you’re getting me up early, where I’m keeping busy,’” pahayag ni Harden.

Siniwalat ni Kelly Iko na lahat ng routines sa workout ni basketball player ay base sa kanyang skills, sa buhangin nag-eensayo para mag-umento ang kanyang mga footwork.

Naghihintay pa rin ang mga player at fan ng opisyal na anunsyo sa pagbabalik ng mga laro sa 74th NBA 2019-20 na inaasahang magaganap sa Hulyo. (Elech Dawa)