Harden kalebel na sina Bryant, Jordan

Sobrang angas ng inilalaro ni James Harden, wala na yata siyang kapaguran.

At lalong hindi mapigil ang Houston Rockets star.

Nilista ni Harden ang pangalawa niyang triple-double ngayong linggo na 44 points, 15 rebounds at 10 assists, kanya pa ang game-winning 3-pointer 2.7 seconds na lang sa 135-134 escape ng Rockets sa Golden State Warriors sa overtime nitong Huwebes.

May triple-double din ang reigning MVP noong Lunes kontra Memphis – 43 points, 10 rebounds at 13 assists.

Kasama ang 50-point game niya noong Dec. 13 kontra Lakers, umiiskor na si Harden ng 30 o higit pa sa 11 sunod na laro.

Noong Dec. 31, sa nakalipas na 30 years ay na­ging pangatlong player si Harden pagkatapos nina Kobe Bryant at Michael Jordan na umiskor ng at least 400 points sa 10-game span.

Pagkatapos silaban ang Warriors, nakakalimang sunod na 40-point game na si Harden.

“Don’t foul him,” ang mensahe ni Golden State coach Steve Kerr kung paano dedepensahan si Harden, naka-27 biyahe sa stripe kontra Grizzlies.
Siyam na free throws ang binitawan ni Harden laban sa Warriors, lima rito sa first quarter.

Sa jumper niya 5:37 pa sa regulation ay dumikit ang Houston 112-111.

Hindi bumitaw ang Rockets sa dalawang 3-poin­ters ni Harden at assist sa isa pang basket sa final 1:26 ng third nang ilapit ang Houston 98-92 papasok ng final frame.