Baka pirate-look ang kamador ng Houston Rockets sa Game 3 ng Western Conference sa Linggo (araw sa Manila).

Naniningkit ang mata ng reigning MVP nang mabulaga ng liwanag sa Toyota Center court sa praktis nitong Huwebes, namumula pa rin ang dalawang mata.

Iniinda pa ng Houston superstar ang injuries sa magkabilang mata na nahambalos ni Draymond Green ng Golden State sa Game 2. Giit ni Harden, hindi siya magpapapigil sa injuries sa Game 3 na ilalaro sa Houston dahil kailangang magsimulang umahon ang Rockets mula 0-2 hole.

“If I played barely seeing last game, what makes you think I’m going to sit out Game 3?” tanong niya.

Kalagitnaan ng first quarter Martes ng gabi nang tamaan ni Green si Harden sa rebound play. Bagsak siya sa court, namimilipit sa sakit bago dinala ng Houston training staff sa locker room. Bumalik si Harden 7 minutes pa sa second at umiskor ng 29 kahit nanlalabo ang paningin, wala nga raw siyang makita.

“When he went out he had zero points and he comes back with not even one eye, one eye was almost shut and the other one was blurry and he gets 29 points,” wika ni coach Mike D’Antoni. “Not many people would have played. So whatever happens, that’s pretty special.”

Mas malala ang kaliwang mata, pulang-pula. Pero ngayon ay may naaaninag na raw siya. Hindi niya alam kung ano’ng eksaktong tawag sa kanyang injury, pero sinabi ng team na “contusions to both eyes.” Binigyan siya ng doktor ng gamot, pero sinabihang ilang araw din bago mawala.
Pinakamahirap daw na injury na inabot niya ito.

“Like an ankle injury, I’ve rolled my ankle 100 times or whatnot and you kind of know how to deal with that. When you’ve got blurry vision and you can’t see it’s really difficult.”

Pero ‘no excuses’ daw. Pareho pa silang nagtaas ng kilay ni D’Antoni nang mabanggit na gumamit na lang si Harden ng goggles o protective eye wear.

“Maybe one patch over an eye,” natatawang sabi ng coach. “It’s going to be the pirate look.”(VE)